1,071

Nov 3, 2017 @ 16:51

Alden tsugi agad-agad sa bagong serye ng GMA, Ruru Madrid in na in

By GORGY RULA

HINDI na pala si Alden Richards ang matutuloy sa isang drama series na isang aso sana ang kasama niya. May napili na raw ang production na asong makakasama sana ng Pambansang Bae pero ibang project na raw ang napili ng GMA Artist Center para sa kanya.

Hindi lang ako sure kung isang drama series tungkol sa Marawi ang gagawin ni Alden na ipo-produce ng GMA News and Public Affairs. Wala pa kaming nakuhang impormasyon kung sino ang makaka-partner niya rito.

Samantala malapit na raw magkaroon ng story conference itong seryeng hindi na si Alden ang magbibida. Ang dinig namin, si Ruru Madrid na ang ipinalit na kung saan itinuloy pa rin ang tambalan nila ni Gabbi Garcia.

Ang isa pang isasama sa proyektong ito ay si Janine Gutierrez na kare-renew lang sa GMA 7.

Kaya tuloy-tuloy ang trabaho ni Ruru pagkatapos ng Alyas Robin Hood, may kasunod na agad siya.

Pauleen at Vic bonding sa ukulele

LAST Monday ay nagsimulang mag-leave na si Pauleen Luna sa Eat Bulaga para simulan na sana ang pag-aayos niya sa nursery ng magiging baby nila ni Vic Sotto. Naloka lang si Pauleen sa dami raw ng gamit ng mga bata na nakatambak na sa bahay nila, hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang pag-aayos.

Thankful ang EB Dabarkad sa dami ng mga regalong ibinigay sa kanila. Naka-tatlong baby shower sila, kaya ang dami raw talagang mga regalo, bukod pa sa mga sponsor.

Ang isa pang ibinalik ni Pauleen na nakahiligan niya noon ay ang mag-Ukulele. Pantanggal boredom daw iyun kapag wala na siyang ginagawa.

Isa rin iyun sa bonding nila ni Bossing Vic kapag nasa bahay lang sila. Magkasabay silang kumakanta habang nagtutugtog siya ng Ukulele.

Sabi nga ng actress/TV host happy pregnancy lang siya hanggang sa makapanganak na siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?