429

Dec 1, 2017 @ 12:38
By

Alden sinisisi sa drama ni Maine ngayon

MALI rin naman na sa kabila ng open letter ni Maine, parang sinisisi ng ibang fans si Alden Richards. Na dahil daw dito kaya nagawa ni Maine ‘yun. Na kasi naman daw merong mga projects talaga si Alden na solo lang o may ibang kapareha. Grabe, grabe na talaga!

Anyway, again, bago pa ang AlDub, isa na si Alden sa mga prime actors ng Kapuso network.

Ilang teleserye na ang nagawa niya at pinagbidahan. Yes, napakalaki ng nagawa sa kanya ng AlDub, higit kay Maine na from a newbie ay naging phenomenal. Pareho silang nakinabang nang malaki sa unplanned AlDub.

Pero, dahil ba rito kailangan nang kalimutan ng dalawa kung ano talaga sila at talento nila? Si Alden bilang isang mahusay na actor at si Maine naman na ang wish talaga ay maging host?

Let them grow too. Na habang tuloy ang loveteam nila, nagkakaroon sila ng opportunity to spread their wings in other areas.

At sana, tigilan na rin ng mga fans ang pangba-bash dahil may ibang proyekto ang bawat isa.

Katulad niyan, naglabas na ang GMA-7 ng line-up ng mga aabangang Kapuso serye sa 2018.

Bukod sa The Step Daughters nina Megan Young, Mikael Daez at Katrina Halili, ang balik-tambalan nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid at ang aabangang biggest television project ni Alden nga raw na kakaiba ang kuwento at siguradong magugustuhan ng bawat pamilya.

Nabanggit din ang finally, Pinoy adaptation na Descendants of the Sun. Hindi pa sinabi kung sino ang magbibida. Na kung si Alden pa rin ito, iba pa kaya ito sa sinasabing biggest television project niya?

For sure, kung sabi ng nanay ni Maine na ‘she will stay’, may mga naka-line-up din na ibang proyekto niya. At posible rin naman na by 2018, tuloy pa rin ang pelikulang pagsasamahan nila. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?