136

Dec 27, 2017 @ 14:11
By

Alden sikat pa rin sa 2018 kahit wala si Maine

Sa kabila ng pinagdaanan ng loveteam na AlDub bago magtapos ang taon, hindi pa rin nakakalimot si Alden Richards na magpasalamat at mag-share ng blessing lalo na sa mga miyembro ng entertainment media na malaki ang nagawa sa kung saan man siya ngayon.

Sa araw na ito ay muli niyang ipadadama sa amin ang kanyang kabaitan at kabutihan- loob dahil sa loob ng buong taong ito at ng mga nakaraang taon, siya ay biniyayaan ng magandang career na patuloy pa rin hanggang ngayon at naniniwala kami na kahit sa susunod na taon ay ganito pa rin ang takbo nito. Sikat pa rin siya, kahit wala na ang tandem nila ni Maine.

Kaya nga, sa karamihan ng mga sikat na artista sa henerasyong ito, si Alden ang isa sa pinakamalapit sa puso ng press people dahil wala talagang pagbabago sa pag-uugali at personalidad nito kahit sa estado na talagang sikat na sikat siya at pinag-aagawan ng mga kompanyang i-endorse ang kanilang produkto.

Si Alden ay nananatiling mapagkumbaba, at hindi feeling sikat.

Iilan lamang sa mga artista natin ang may ganitong pagmamahal sa press? Bilang na lang sila.

Hindi naman naghahangad ng sobrang atensiyon ang aming mga katoto, kasama na kami, pero ang sarap ng pakiramdam na sa kahit simpleng pamamaraan ay sinusuklian ng isang artista ang anumang nagawa ng press sa kanyang karera at pagkabuhay.

Simple man, o maliit, basta nakaalala, okey na ‘yun. E, ‘yung iba, kahit nga isang maiksing ‘thank you’ man lang, wala pa.

Anyway, mabuhay ka Alden and may your tribe increase! God bless.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?