288

Jan 3, 2018 @ 15:52
By

Alden at Ruru, agawan sa isang project

Umugong sa social media ang balitang gagawin ng GMA Network ang local version ng hit Koreanovela na ‘Descendants of the Sun’ (DOTS). Sa Kapuso Network unang napanood ang Tagalized version ng K-war-drama kaya malaki ang posibilidad na sa kanila rin ang rights nitong bigyan ng local version ito gaya ng ‘My Love from the Star’.

Unang umugong na si Alden Richards ang gaganap bilang pangunahing aktor. Pero umangal ang fans ni Ruru Madrid dahil ang rason nila, mas bagay sa idolo nila bilang male lead. Lalo na ngayong buff na buff na ang dating ngayon ni Ruru, huh!

Mukhang as of now, malabo pa sa role na ‘yon si Ruru dahil may coming series siya sa network na Sherlock Jr. Bidang-bida siya sa series na ito kasama sina Gabbi Garcia, Janine Gutierrez, Andre Paras at Ai Ai delas Alas.

As of now, wala pang balita kung ano ang next project ni Alden sa GMA after ng ‘Destined To Be Yours’ nila ni Maine Mendoza.

Sa ngayon kasi, ang 2018 shows ng GMA sa unang quarter ay ang naughty series na ‘The One That Got Away’, ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’, ‘Contessa’, at The Stepdaughters.

Sa ongoing programs, ang magtatapos ay ang ‘My Korean Jagiya’ nina Heart Evangelista at Alexander Lee at ‘Super Ma’am’ ni Marian Rivera sa primetime.

Sa afternoon dramas naman, nakalinya pa ang ‘Contessa’ ni Glaiza de Castro. Wala pa kaming balita kung sa primetime o sa afternoon ang fantasy series na ‘Sirkus’ nina Mikee Quintos at Mikoy Morales.

So chilax lang muna kayong fans nina Alden at Ruru dahil war-drama ang DOTS kaya hindi ganoon kasimple isagawa ang local version nito, huh! (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?