159
alden
By

Alden Richards, todo-aksiyon sa bagong show ng Kapuso Network

Sharing is caring!

Kahapon, inilabas na ng GMA Network ang unang set ng behind-the-scene photos na kuha ni Alden Richards sa location ng “Victor Magtanggol” sa isang undisclosed public market sa Quezon City.

Base sa mga larawan, umaaksiyon ang Pambansang Bae at bigay-todo ito sa mga action scenes sa seryeng kanyang pinagbibidahang malapit nang mapanood sa primetime block ng Kapuso Network.

Pinaghandaan talaga nang husto ni Alden ang bagong project. Bukod sa pagwo-workout, sumailalim din siya sa parkour training.

“I’m doing parkour now para meron po tayong maio-offer na bago sa action scenes. Kaya may mga kalyo nga tayo ngayon,” deklara ng award-winning actor.

Asahan na raw ng Kapuso viewers na marami siyang action scenes sa “Victor Magtanggol” kaya naman excited na siyang magamit ang mga pinag-aralang parkour moves sa programa.

“Naiisip kong gawin ito kasi ito ‘yung magagamit talaga na skill. Kasi ‘yung pagtalon sa mga bubong, ‘yung mga pagbaba from a certain floor to another floor, ganu’n ito ka-intense.”

Here are some photos na ibinahagi sa amin ng GMA Network mula sa isang eksena sa “Victor Magtanggol.” At the moment, wala pa kaming ideya kung sinu-sinong mga Kapuso star ang magiging bahagi ng bubuksan serye ng network.

But definitely, we will keep you posted.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?