1,872

By

Alden Richards naiyak kay Joey de Leon

Kaarawan ngayon (January 2) ng “Pambansang Bae” na si Alden Richards.

Kaya naman sa kanyang 27th birthday ay inulan siya ng mga pagbati mula sa mga taong malalapit sa kanyang buhay.

Nangunguna na rito ang kanyang Dabarkads na sina Joey de Leon at Ruby Rodriguez, maging ang kanyang ama na si Richard Faulkerson Sr.

“Wag kang umiyak Alden Richards at birthday mo lang yan! Wag kang OA! Happy birthday at isa ka sa pinakamasipag, maalalahanin at mapagmahal sa pamilya na nakilala ko! Mabuhay ka!” sabi ni Joey sa caption ng larawan kung saan makikitang yakap niya ang aktor.

Nag-post din ng larawan nila ni Alden si Ruby na nilagyan niya ng caption na, “To one of the most generous, kind, loving person I know Happiest Birthday to you @aldenrichards02. May our Lord bless you more as u share your blessings to others. We love you.”


Maiksi naman ang mensahe ni Daddy Bae kay Alden na tinawag niyang “Jay.”

Aniya, “Jay” talaga ng tawag niya kay Alden habang “Tisoy” naman sa kanyang mommy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?