127

Nov 29, 2017 @ 9:15
By

Alden Richards ligtas na sa pagkalason

Iba talaga si Lola Goreng (Gloria Romero) ng Daig Kayo Ng Lola Ko! No way but up kasi ang direksyon ng TV ratings nito against ABS-CBN’s Wansapanataym.

Hindi talaga nila kayang patumbahin ang kahit anong istorya na itampok nito. Isa pa sa mga kaabang-abang dito ay ang mga bigating stars na bumibida dito linggo-linggo.

Balitang-balita nga ngayon ang nalalapit na paggi-guest ng phenomenal star na si Maine Mendoza sa high-rating child-friendly program ng GMA. Ang tanong tuloy ng marami ay kung kailan kaya ito at ano ang magiging takbo ng istorya niya.

At least puwede na rin si Maine mag-guest ng mag-isa sa mga TV shows ng GMA na hindi kailangan si Alden. Malaya na silang mag-guest sa iba’t ibang shows ng GMA na puwedeng itambal sa iba.

Speaking of Alden ay nakausap namin through text para i-check ang kalagayan niya after mabalita ito na itinakbo sa ospital noong Lunes ng hapon habang nasa Eat Bulaga.

Ayon kay Alden ay maayos na siya at hopefully makalabas na siya nitong Martes. Mukhang relax naman si Alden at nakapahinga kahit sandali. Dapat ay may taping siya nitong Martes for Dear Uge pero dahil nga sa nangyari ay pack-up ang taping. Hopefully ay makabalik na si Alden sa Bulaga ngayong Miyerkules. (Joe Barrameda)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?