296

By

Alden Richards bumisita na sa Kapamilya Network

Nagtungo sa opisina ng ABS-CBN sa Quezon City si Kapuso star Alden Richards nitong Martes.

Kasama ng leading lady niyang si Kathryn Bernardo, nilibot ni Alden ang compound ng ABS-CBN at pinakilala sa kanya ang ilang tao dito.

Maging ang opisina ng Star Cinema ay pinuntahan din ni Alden at nakipag-lunch sa managing director na si Olivia Lamasan.

Para ito sa promo ng movie nila ni Kathryn na “Hello, Love, Goodbye”.

Panoorin ang ilang eksena sa Youtube video ng “KathNiel”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?