30

Dec 14, 2020 @ 21:08
By

Alden Richards, Bea Alonzo bagong love team

Magkakasama na sa iisang movie sina Alden Richards at Bea Alonzo.

Sina Alden at Bea ang magkakapareha sa Pinoy version ng hit Korean film na “A Moment to Remember”, ayon sa PEP report.

Tungkol sa buhay pag-ibig ng isang babaeng may early-onset ng Alzheimer’s disease ang naturang hit Korean film.

Si Alden ang gaganap sa bidang aktor, na orihinal na ginampanan ni Korean actor Jung Woo-sung habang si Bea ang lead actress na gaganap sa papel ni Son Ye Jin.

Nakatakda umano ang shooting ng “A Moment to Remember” sa January 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?