269

Jul 26, 2019 @ 17:23
By

Alden pinapangarap si Bea

Inamin ni Kapuso actor Alden Richards kung sinong Kapamilya actress ang gusto niyang makatrabaho.

Ayon kay Alden, bet niyang makasama sa proyekto si Bea Alonzo.

“Bea Alonzo! Kasi nag-meet kami before sa airport on our way sa Sinulog festival, last year ata ‘yun. Tapos nagkamustahan, kasi the last time we saw each other ay sa party noong stylist namin kasama si Idan (John Lloyd Cruz),” sabi ni Alden sa Push report .

“So ‘yun, sabi ko sana magkaroon ng chance na maka-work ko siya in a movie or in project. We’ll see,” dagdag pa ng Pambansang Bae.

May nakatrabaho nang Kapamilya actress si Alden, si Kathryn Bernardo sa Star Cinema film na “Hello, Love, Goodbye” na ipapalabas sa mga sinehan sa July 31.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?