76

Sep 27, 2021 @ 20:26
By

Alden pinakyaw tinda ni Betong

Naiyak si Betong Sumaya nang bilhin ni Alden Richards ang mga ibinenta niya sa live selling.

Nagbenta raw ng mga personal na gamit si Betong para makatulong sa pamilya.

Pero isang kostumer ang hindi niya inaasahan habang nagla-live selling siya.

“Alden ikaw ba ‘yan?” ani Betong nang mag-comment ang isang “RJ Richards” kung magkano ang mga tinda niya.

Una raw ay hindi niya inakalang si Alden ito at nagbiro siya ng mataas na halaga.

Kalaunan ay nakumpirma niyang si Alden nga ang gustong mamakyaw ng kanyang tinda.

Halagang P50,000 na gamit ni Betong ang binili ni Alden na agad daw nitong binayaran sa comedian.

Sobrang na-touch daw si Betong kay Alden.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?