139

Alden pambato ng GMA sa NY Countdown

Ngayon ang huling araw ng 2017 kaya may mga New Year Countdown show ang GMA 7 at ang Iglesia Ni Cristo.

Pangungunahan ni Alden Richards ang Countdown to 2018 ng Kapuso Network. Mula nang mag-artista at sumikat si Alden, naging tradisyon na niya ang mag-perform sa mga New Year Countdown show ng GMA 7 sa Mall of Asia Arena dahil may paniniwala rin siya na masuwerte na may trabaho sa unang araw ng taon. Kinabukasan, January 2, ipagdiriwang ni Alden ang kanyang 26th birthday sa Eat Bulaga. Magkakaroon din siya ng special birthday celebration sa Sunday Pinasaya.

Makakasama ni Alden sa Countdown to 2018 sina Rocco Nacino, Mark Herras, Christian Bautista, Andrea Torres, Julie Anne San Jose, Jeric Gonzales, Teresita Marquez at ang ibang mga Kapuso star. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?