142

Dec 28, 2017 @ 18:49
By

Alden palaging mabango, forever crush ni Kris Aquino

Medyo pagod pa si Alden Richards nang dumating sa kanyang Concha’s Restaurant sa Tomas Morato kahapon ng tanghali para sa pa-Christmas lunch niya sa mga kaibigang movie press.

Kararating lang niya mula sa ilang araw na bakasyon sa Japan kasama ang buong pamilya.

Natuwa naman daw siya pagbalik niya ng Maynila dahil nakarating agad sa kanya ang magandang pahayag ni Kris Aquino para sa kanya.

Nasilip nga namin ang huling interview kay Kris sa kanyang social media account at doon ay sinabi niyang si Alden ang isa sa forever crush niya. Noon pa raw, wala pa ang AlDub ay napapansin na raw niya ang Pambansang Bae, at natutuwa raw siya sa itsura nitong parang

laging mabango.

Sabi ni Alden: “Nakita ko nga po. Nagulat po ako.

“Nag-text ako sa kanya, nag-thank you po ako sa kind words na sinabi niya sa akin.

“Nag-reply po siya. Sabi po ni Ms. Kris, super fan nga raw po siya,” natutuwang pahayag ni Alden.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?