73

Dec 25, 2017 @ 18:20
By

Alden namumutok ang pisngi

Sa Japan pa rin siyempre nag-Pasko si Alden Richards, kasama ang family niya. At makikita sa Instagram stories niya ang mga lugar na pinupuntahan nila, lalo na ang mga pagkain na nilalantakan nila.

Yes, eat nang eat si Alden sa Japan, ha! At dahil malamig ang weather doon, kaya balot na balot sila ng makakapal na tela.

Pero teka lang, sa pagbalik ni Alden, dapat na siyang mag-gym, at mag-diet ulit. Hindi naman sa binabasag ko ang happiness o trip ni Alden ngayong holiday season, pero sa mga selfie photo niya, makikita na ang pamumutok ng pisngi niya, ha. May mga anggulo rin na dumu-double chin siya, ha!

Pero siyempre, kesehodang tumaba pa siya, guwapo pa rin ang Pambansang Bae. At sabi nga, well deserved niya ang bakasyon niyang ito. So, hayaan na lang muna natin siyang mag-enjoy sa Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?