67

Oct 31, 2020 @ 15:47
By

Alden naka-witness na ng exorcism

Hot topic sa Twitter Philippines nitong Sabado si Alden Richards matapos niyang isiwalat na nakasaksi na siya ng exorcism.

Naging paksa sa October 31 episode ng “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga! ang tungkol sa exorcism.

Kasama si Alden sa mga choices ng celebrity judge na si Binibining Pilipinas Universe 2011 Shamcey Supsup.

Ani Alden, naniniwala siya sa mga ghost story dahil naka-witness na siya ng exorcism ng tatlong beses.

Dalawang beses sa bahay at isang beses sa tao, unang beses daw ay iyong bahay nila sa Laguna dahil noong nakuha niya ang bahay o property ay may nakatayo nang bahay doon dati at pina-renovate lang nila.

Usapan daw ay apat na buwan lang matatapos pero pinagtaka ni Alden na umabot na ito ng sampung buwan at nagrereklamo na ang mga nagtatrabaho sa kanyang bahay na may nakikita at lagi silang nasisiraan ng gamit.

Kasama si Fr. Jeff Quintela ay sinailalim nila sa exorcism ang bahay.

“Nagtataka ako sampung buwan na parang walang natatapos. Everytime na tsine-check ko siya weekly hindi siya matapos-tapos,” ani Alden.

Isang fan din daw na na-possess ang tinulungan ni Alden at isang bahay ng kaibigan niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?