51

Jul 6, 2020 @ 13:31
By

Alden nag-senti kay Maine

Kinilig ang mga fan sa mensahe ni Alden Richards sa fifth anniversary ni Maine Mendoza sa showbiz.

“Maine, gulat ka noh? Akala mo kung sino. ‘Di, joke lang. Happy, happy 5th anniversary sa showbiz,” sey ni Alden, na pinakita sa GMA-7’s ’24 Oras.’

“Sobrang tine-treasure ko lahat ng mga pinagsamahan at pinagdaanan natin throughout these years. Through the ups and downs, good and bad, happy, sad — sobrang saya ko,” aniya pa.

Natawa at napangiti naman si Maine sa sinabi ng aktor.

Matatandaang unang nasilayan sa “Eat Bulaga” si Maine bilang “Yaya Dub” noong Hulyo 4, 2015.

Pumatok sa madla ang tambalan nila ni Alden na binansagang “Aldub”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?