alden1
By

Alden nag-enjoy sa mga baboy

Sharing is caring!

Seryoso talaga si Alden Richards sa kanyang upcoming teleserye na Victor Magtanggol na nalalapit na ang pilot episode. Sa mga nakita naming pictures ng taping kung saan palengke ang setting ay hindi nahiyang sumalampak si Alden sa pinaglalagyan ng mga karne at mereseng kasama niya ang mga itinitindang karne doon.

Pinatunayan lang ni Alden na kaya niya ang kahit anong eksena sa ikagaganda ng mga eksena para sa nasabing teleserye. Noon pa man ay marami na kaming naririnig na hindi raw kakayanin ng Pambansang Bae ang mga eksena dito. Pero sorry nagkamali sila. Pinaghandaan ito ni Alden.

Nag-viral nga ang mga photo na ‘yon ni Alden, dahil first time nilang makita na ang isang sobrang linis sa katawan na Pambansang Bae ay hindi natakot na madumihan sa palengke.

Walang kaarte-arte si Alden sa katawan. Parang ini-enjoy pa niya ang mga moment na ‘yon na hindi nga niya araw-araw nararanasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?