39

Oct 8, 2017 @ 12:45

Alden, nag-chopper para makaiwas sa trapik

Sobrang professional talaga ang Pambansang Bae na si Alden Richards. Gagawin ang lahat huwag lang magdulot ng problema sa ibang tao.

Like last October 6 (Friday), na kung saan ay matindihan ng trapik sa buong Maynila, at pati na sa kalapit-bayan, kinailangan talaga niyang mag-chopper mula Laguna papuntang SM Fairview para sa meet and greet kasama ang kanyang mga tagahanga na handog ng isang brand na kanyang ineendorso.

At ang dalawampu pa nga sa mga ito ay nagkaroon ng pagkakataong mayakap at maka-selfie ang Pambansang Bae.

Hindi rin niya binigo ang iba pa niyang fans at nag-perform siya ng mash up ng 90s boyband hits gaya ng I Want It That Way ng Backstreet Boys; Tearin Up My Heart ng NSYNC; at If I Let You Go ng Westlife.

Makikita nga sa IG stories ni Alden ang pagbaybay niya sakay ng chopper, na sabi nga niya, ‘here we go again’ na dahil nga sa matinding trapik, kailangan talaga niyang gawin ito. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?