184

Mar 16, 2019 @ 21:31
By

Alden, Maine nag-iwasan sa Israel

Lumutang na ang solo photo ni Alden Ri­chards habang nasa Israel. Lumabas ang photo niya sa Instagram account nina Ryan Agoncillo at Allan K.

Kapansin-pansin lamang na wala silang mga photo ni Maine Mendoza na magkasama, huh! Sina Vic Sotto at Allan K ang mga kasama niya sa mga photo niyang naglabasan sa social media.

Kaya ang mga fan nila, iba na naman ang pakiramdam. Nagagalit na naman sila, na bakit parang ayaw silang paligayahin, dahil kahit ang mga simpleng photo nga lang daw ay hindi na sila mapagbigyan pa.

Nag-iiwasan ba sila sa isa’t isa? Ay, grabe naman!
Dahil ba magseselos si Arjo Atayde? Well…

***

Hindi pa patay ang mundo ng pelikula
— Gelli

Hindi naniniwala si Gelli de Belen na “dying” ang local film industry ngayon.

“Habang nabubuhay, may laban!” deklara ni Gelli sa presscon ng movie nila ni Bayani Agbayani na “Pansamantagal.”

“This is one of the reasons why we know the movie industry will actually get better. Kasi ang daming pelikulang pinapalabas na Filipino ngayon as opposed to five years ago.

“Mas maraming pinapalabas ngayon. Mas maraming ginagawa.

“Although I think it will be as big as it was before. Kasi ang dami nang medium eh.

“May social media na ngayon. Meron nang Netflix, iFlix, lahat na yata ng flix meron na! I think it will ever be the same.

“Kasi, you watch YouTube when you have time, anytime you want.

“‘Yun ang kalaban ng movie industry. Tapos lib­re. Bayad ka lang ng internet!

“Eh ‘pag nanood ka ng sine, magbabayad ka (sa sinehan), mamamasahe ka.

Kailangan kung ano ang ipalalabas, worth it para lumabas ang mga tao out of their houses and spend money to watch!” dagdag niya.

“Ang tingin ko, mas lumalakas pa ang industriya ngayon kasi bukod sa napakara­ming producers na gustong mag-produce, napakara­ming maga­galing na directors, magagaling na writers, so mas buhay ang pelikula!” rason naman ni Bayani.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?