133

Oct 21, 2017 @ 19:17

Alden, Maine muling nag-trending

Trending na naman ang tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza matapos muling ‘magwala’ sa Twitter world ang mga tagasuporta ng dalawa.

Ito’y bilang suporta sa pag-ere ng telemovie nina Alden at Maine na “Love Is…” sa Eat Bulaga.

Hindi pa umeere ang telemovie pero number one trending topic na sa Twitter ang hashtag na #ALDUBxEBLoveis.

Second anniversary na rin kasi ng AlDub Nation, taguri sa mga tagasuporta nina Alden at Maine, kahapon kaya ipinagbubunyi nila ang regalo ng EB na telemovie ng kanilang mga idolo. Gusto nilang ma-achieve ang 1M tweets bago magsimula ang “Love Is…”

Tweet nga ni Allan K kahit nasa San Francisco ito para sa isang concert, “Buhay na buhay na uli ang AlDub Nation! The force and the power is back!!! # ALDUBxEBLoveis…” (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?