620
alden-richards-maine-mendoza
Dec 12, 2017 @ 17:41
By

Alden-Maine movie sa 2018 tuloy na

May script na ang pelikulang pagsasamahan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa 2018. So, hindi totoo ang chika na malabo na ‘yon mangyari, dahil mismong si Mr. Tony Tuviera (Eat Bulaga producer at manager rin ni Maine) ang nagsabi na okey na ang script.

Bagama’t ayaw na ring magsalita pa ni Mr. Tuviera sa mga naglalabasang kuwento, ramdam namin sa mga salita niya na walang katotohanan na mabubuwag na ang AlDub.

Anyway sa pinost naming picture ni Mr. Tuviera sa Instagram wall ko, sangkatutak na komento, pakiusap, direct messages, ang hinamig namin, na nagsasabing ngayon pa lang ay kinikilig na sila sa puwedeng mangyari kina Maine at Alden sa 2018.

“Please, pakisulat po sa Abante ang mga kuwento ni Mr. Tuviera tungkol sa AlDub. Kinikilig na po kami,” halos iisang sabi ng followers ng dalawa.

Well, ‘yun na nga, dapat ay team kampante lang kayo, dahil walang katotohanan na bubuwagin na ang tandem nina Alden at Maine. Tuloy na tuloy ang pelikula nila sa 2018, at mapapanood pa rin sila sa Eat Bulaga simula sa January 1, 2018. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?