134

Jan 26, 2018 @ 20:48
By

Alden-Maine mahilig pa ring magharutan, lambingan

Buhay na buhay ang dugo ng AlDub Nation nang magsama sa stage ng SMX Convention Center sa Pasay City sina Alden Ric­hards at Maine Mendoza para sa event ng isang produktong kapwa nila ineendorso nung Huwebes nang gabi.

Twinning nga sina Alden at Meng sa suot nilang damit na kulay pula. May pa-bangs nga si Meng sa style ng kanyang buhok, huh! Hindi rin nawala ang harutan ng dalawa sa stage kaya bawing-bawi ang AlDub Nation sa ibinayad nila at pakikipagsiksikan malapitan lang sa stage ang mga idolo!

Tweet ng isang fan, humaba na naman ng 100 more years ‘yung buhay ng lahat ng senior citizens nu’ng gabing ‘yon!

Nasabik nang husto ang AlDub Nation na masaksihan ang mga idolo na magkasama. Mula kasi nang bumalik sa Eat Bulaga last January 1 ang Phenomenal Star, hanggang balik-split screen lang ang drama nila sa programa.

Base sa naglabasang photos at videos ng event sa social media, may nag-iiyakan at merong halos mahimatay sa presence ng mga idolo.

Hindi pa rin kasi nawala ‘yung lambingan ng dalawa na miss na miss na ang AlDub Nation.

Siyempre, pina-trend ng AlDub Nation sa Twitter ang event na ‘yon nina Alden at Maine hindi sa Twitter PH kung di pati worldwide huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?