401

Dec 18, 2017 @ 19:14
By

Alden-Maine action movie binasura na

Kaswal at cool na cool si Rams David na magkuwento ng ilang kaganapan kay Maine Mendoza na ngayon ay nananatiling nasa bakasyon pa rin. Sabi nga niya, wala raw katotohanan ang mga espekulasyon dito.

“Basta lahat ng mga lumabas na speculations, not true. Umalis siya ng bansa para magpahinga. Christmas season, napaaga nga lang.

“Well alam naman natin kung bakit, talagang napagod siya.”

Bago nga raw ang New Year ay nasa bansa na si Maine at who knows, sa January 1 episode ng ‘Eat Bulaga’ ay mapanood na, ‘di ba? Umaasa rin si Rams na sa mga nangyari, mas matatanggap din ng mga fans ang mga totoong ganap.

“Dapat naman, respetuhan. Kasi, sabi nga ni Maine, loveteam ito for the show, ‘di ba? On-screen. So respetuhin na lang natin kung saan siya masaya.

“Siyempre, hindi naman natin masasabi kung ano ang mangyayari. Hindi naman natin katawan ‘yun. ‘Wag lang sigurong saklawan ang pribadong buhay o oras nila.”

As per AlDub, tuloy-tuloy lang daw ito. At sa movie na dapat pagsasamahan nina Alden Richards at Maine, totally out na raw ‘yung konsepto na action sana sila. So sa ngayon, naghihintay lang daw sila ng magandang script. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?