27

Jun 15, 2020 @ 10:38

Alden kinalmot ng aso

Dahil naka-quarantine pa rin, kahit na sabihin pang balik live na ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa Eat Bulaga, kung ikukumpara ang paglalagare niya before quarantine sa trabaho, wala pa sigurong 50% ang ginagawa niya ngayon.

Kaya naman ngayon makikitang talagang mas lalong ine-enjoy ni Alden ang isang mundo niya, ang gaming. Nag-livestream pa ito noong Linggo at halatang nag-enjoy dahil may pasabi na agad na “This is just the beginning of many streams.”

Yun nga lang, hindi maiwasan ng ilang netizens ang mag-alala para kay Alden dahil sa ipinost niya sa kanyang IG stories.

Kitang-kita ang ilang mahahabang kalmot sa braso niya. Sinabi naman ni Alden na “When your dogs missed you so much.”

Kaya malinaw na ang mga aso niya ang maysala. Siguradong kumpleto naman sa bakuna ang mga aso nito kaya walang dapat ipag-alala.

Na-miss nga lang siguro si Alden dahil nga araw-araw na siyang nagla-live, so unlike the past three months na araw-araw siyang nakikita at nakakasama ng mga aso niya na ipinakilala niya rin nang minsang mag-IG Live siya, ngayon ay semi-back to work na ito.

KC talo sa tapang ni Frankie

Wala pa talaga sa showbiz at nasa ibang bansa at nag-aaral. Pero mukhang sa magkapatid ngayon na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan, si Frankie na nasa ibang bansa at hindi pa talaga buong-buong niyayakap ang showbiz, pero walang-duda na mas maingay at napag-uusapan ngayon.

Ang dahilan, ang pagiging open nito sa kanyang mga stand at paniniwala pagdating sa usaping socio-political. Marami nga ang nagsasabi na mas matapang si Frankie kesa kay KC, ha!

Ang latest nga, ang pagpapahayag niya sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ng komento niya tungkol sa sinasabing dahilan diumano kung bakit nare-rape ang isang babae.

Kaya nabuo ang #hija kunsaan, dito matapang na isinisiwalat ng mga naging rape victims ang hindi nila magandang karanasan, not because, ang suot nilang damit ang dahilan kaya sila na-rape.

Halos karamihan naman ng netizens ay sang-ayon kay Frankie at napapahanga sa pagiging matapang nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?