215

Dec 1, 2017 @ 12:46
By

Alden kinaawaan, iniyakan ng mga lolo/lola

Wala talagang duda ang pagiging maalagain at mabuting ‘kuya’ ni Pambansang Bae Alden

Richards kay Bae-by Baste. Kamakailan ay dinalaw ni Baste si Alden sa ospital nang ma-confine ito dahil sa food poisoning. Pero imbes na si Alden ang alagaan, ito pa mismo ang nag-asikaso sa bisita.

Sa lnstagram post ni Baste, caption nito ang “The value of friendship, anytime, anywhere. Si Kuya @aldenrichards02 po ang may sakit, pero ako ‘yung sinusubuan. That’s what friends are for.”

Marami ang pumuri sa pagiging maalaga ni Alden at masaya ang netizens na bumuti na ang pakiramdam nito. Sa katunayan, kahapon ay na-discharge na siya sa ospital at nag-Eat Bulaga na nga, kahit halatang matamlay pa.

Kinahapunan ay diretso agad siya sa taping ng Celebrity Bluff. Kinabukasan ay taping siya sa naantalang episode ng Dear Uge na sa Linggo na agad eere.

Ganyan ka-busy ang Pambansang Bae. Basta trabaho ay very professional at walang reklamo.

Puwede naman siyang magpahinga pero gusto niyang mag-work agad.

Marami tuloy ang naawa sa kanya. At ewan ko ba naman, dahil nu’ng una nga nilang makita si Alden, bigla silang nag-iyakan ha.

Nakaka-touch `yung mga photo ng matatanda na todo-yakap kay Alden at umiiyak. Kaya ang followers ni Alden, nag-iyakan na rin.

Affected nga sila sa nangyayari kay Alden. Hay naku…. (Joe Barrameda)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?