130

Jan 24, 2020 @ 16:35
By

Alden, Kathryn tinanghal na ‘Movie Actor, Actress of the Year’

Wagi ang acting nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa “Hello, Love, Goodbye”.

Kinilala ang husay nila ng VP Choice Awards matapos tanghaling Movie Actor of the Year si Alden habang Movie Actress of the Year naman si Kathryn.

Nagwagi rin bilang Movie of the Year ang “Hello, Love, Goodbye”.

Trending ang #HelloLoveGoodbye kung saan nagpasalamat ang mga fan sa awards ng dalawa.

Isinagawa ang VP Choice Awards nitong January 23 sa Casino Filipino – Manila Bay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?