575

By

Alden-Kathryn parang John Lloyd-Sarah – direk Cathy

Magandang kombinasyon umano sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa nilulutong pelikula ng Star Cinema.

Ayon kay direk Cathy Garcia-Molina sa report ng PEP, ito umano ay dahil ang istorya ng wala pang pamagat na movie ng KathDen ay tungkol sa strangers meeting gaya nina Alden at Kathryn na strangers din sa isa’t isa.

Excited na umano si direk Cathy na makatrabaho si Alden dahil ito ang unang pagkakataon na maididirek niya ang isang GMA-7 actor.

“Ngayon, first time ko makatrabaho si Alden. Wala nga kong napanood na show ng batang ito. So wala akong kaalam-alam. Sino ba si Alden? Ito naman baligtad: kilalang-kilala ko simula pagkabata,” saad ni direk Cathy.

Inihalintulad din niya ang KathDen sa tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na first time pinagsama noong 2008 sa “A Very Special Love” na pumatok sa madla.

“Nakakatuwa na bagong kuwento, bagong kombinasyon. Parang John Lloyd-Sarah ko,” dagdag pa ng direktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?