131

By

Alden inspirasyon ng pamilyang Pinoy

Sharing is caring!

Dahil malapit nang magtapos ang primetime series na Victor Magtanggol, heto at kung ano-anong paninira, ispekulasyon na ang naglalabasan.

Nandiyang na cut-short daw ang primetime series na ito na pinagbibidahan ni Alden Richards. Doon pa lang, halatang walang alam ang mga humahanash lang.

Siguradong hindi ito cut short dahil as planned na one season ay sumobra pa.

Hindi raw nagre-rate? Yes, totoo naman na hindi nito naungusan ang Ang Probinsyano, pero considered as number one sa primetime ang Victor Magtanggol.

Ang rating nito ay hindi na-achieve ng ibang programa.

Every time na tinatanong namin si Alden, nakakatuwa ito dahil masaya siya sa na-achieve ng show. Kung paano raw ito nakapagpa-inspire lalo na sa mga pamilyang Pinoy.

Sabi nga ni Alden, ang Victor Magtanggol ang isa sa mga show na ginawa niya na hindi niya makakalimutan at espesyal sa kanya.

Hindi na kami magtataka kung after Victor Magtanggol ay may pasabog si Alden though, second last half ng December ay sa America na siya kasama ang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?