292

By

Alden ibo-boycott dahil kay Reese Tuason

Sharing is caring!

ANG lala ng ibang fans!

Fans o mga tagahanga nga ba sila ni Alden Richards o ng kini-claim nilang AlDub nina Alden at Maine Mendoza? Actually, parang hindi sila mga fans, mga feeling boss!

Nakakaloka ‘yung talagang nababasa namin sa feed namin na nandiyang kesyo ibo-boycott daw nila ang Magpakailanman episode ni Alden nga­yong Sabado, ang kuwento ng isang Marawi Suicide Squad Soldier na si PFC Jomille Pavia.

Ang dahilan ng pagbo-boycott nila? Dahil meron daw palang love interest si Alden sa MKM, ang bagong GMAAC artist na si Reese Tuason.

Nakakaloka, ‘di ba? Ang lala talaga! Na ‘yung Reese, hayun at naba-bash din dahil siya ang gumanap na love interest, huh!

Katuwiran nila, dapat si Alden, kay Maine lang puwedeng ipareha at wala nang iba. Eh, nalaman pa naming ‘yung love angle naman pala sa MKM bukas ng gabi, halos katiting lang.

At kung sakali man na ‘yun ang focus, e, ano naman? Kuwento ‘yun at hindi totoong kuwento ng buhay ni Alden.

Baguhin ang tunay na kuwento ng buhay ni PFC Pavia?

May nag-comment pa sa Twitter account namin na, “Basta walang ibang ka LT ayos yan sa amin ADN.”

Sana maipakita ng mga solid Alden ang lakas nila laban sa mga nagbabantang magbo-boycott sa suportang ibibigay nila rito bukas ng gabi. (Rosse Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?