56

Dec 29, 2020 @ 19:15
By

Alden ‘hurting’ sa pagsasara ng resto

Naniniwala si talk show host at entertainment writer Lolit Solis na hurting si Alden Richards nang ipaalam sa mga empleyado ang pagsasara ng kanyang restaurant na Concha’s.

“Ilang beses natin inabutan na kumakain duon sa Concha’s si Alden. Kilala niya bawat waiter at nagtra trabaho sa resto. Personal ang pamamahala niya sa kanyang mga business, ang Concha’s, ang McDonalds, lahat iyan makikita mo na hands on si Alden. Kaya ma imagine mo na his heart is breaking while telling his employees na temporarily they have to close,” tsika ni Lolit sa isang Instagram post.

“Kasi nga, alam niya na masakit mawalan ng trabaho, alam niya na apektado ang mga pamilya ng mga ito. Kung kakayanin lang, siguro hindi gugustuhin ni Alden na isara, pero mahirap ang panahon at masyadong malaki ang mawawala kung patuloy ang operations pero mahina naman ang pasok ng clients at customers,” dagdag niya.

Pero nangako aniya si Alden na basta gumanda ng konti ang sitwasyon ay magbubukas muli ang isinarang resto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?