150

Nov 20, 2018 @ 14:23
By

Alden hindi nagtangkang ligawan si Janine

Pinatibay ang dibdib ni Janine Guttierez nang isalang siya bilang kapareha ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.

Nung sabihin sa kanya ang project, nagtataka rin siya kung bakit siya ang kinuha ng Kapuso network.

“Dahil sa Victor, nakilala ko talaga ‘yung sumusuporta sa akin, ‘yung suporta ni Alden. Ramdam na ramdam ko rin ‘yung suporta sa akin ng nagsu-support kay Alden.

“Sobrang dami at ramdam ko ‘yung suporta nila sa show at sa amin na parte ng show kahit ayoko pang matapos. Super, super thankful ako,” pahayag ni Janine nang makausap ng press sa taping ng VM.

So matibay na ba siya ngayon?

“Matibay naman po ako Hahahaha!” diin niya.

So ano ang gusto niyang iparating kay Alden sa paghihiwalay nila ng landas dahil sa ngayon eh, si Enchong Dee ang partner niya sa Regal movie niyang Elisse?

“Sinabi ko sa kanya, nagpapasalamat kami sa alaga na hindi naman namin hiningi sa kanya pero kusa niyang binibigay sa lahat ng tao. Siya talaga ‘yung taong pagud na pagod na at naka-Hammerman costume, hindi mo siya maringgan ng reklamo. Sobrang saludo ako sa kanya at alam ko kung bakit mahal na mahal siya ng mga tao!” sey ni Janine.

Hindi ba siya niligawan ni Alden?

“Hindi po!” sagot ni Gwen ng Victor Magtanggol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?