610

By

Alden hindi mayabang kay John

Sharing is caring!

All praises si John Estrada kay Alden Richards na ngayon lang niya nakakatrabaho sa isang teleserye at ito ay ang Victor Magtanggol na isang malaking project so far as far as GMA is concerned.

Hindi naging mahirap ang pagpasok ni John sa Kapuso Network. Gaya nang nilisan niyang network ay mababait at naging komportable daw siya agad sa bagong teleserye na kanyang ginagawa sa GMA.

Mabait at very professional daw si Alden Richards na si Victor Magtanggol. Masaya daw sa set at walang pressure.

Isa raw sa rason kaya gusto niyang magtrabaho sa GMA bukod sa wish niya na makatrabaho sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay para makatrabaho rin ang kanyang anak na si Inah de Belen. Kaya ngayon ay matutupad na ‘yun.

Hindi pa namin alam kung nagkakilala na sila ni Jake Vargas na boyfriend ni Inah. Last time namin nakausap si John ay sinabi niya na hindi pa raw niya nakikilala si Jake. Dapat daw mag-reach out si Jake sa kanya.

Ang Victor Magtanggol ay eere simula July 30 after 24 Oras sa GMA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?