435
alden richards
Feb 4, 2018 @ 19:25
By

Alden, di totoong iniiwasan si Maine!

Isang malaking event ang ipinagdiwang sa Ilocos Sur na tinawag nilang Kananwidan Bicentennial Festival na kung saan meron silang iba’t-ibang event na dinadaluhan ng mga kilalang celebrities.

Ilan sa kanila ay si Alden Richards na talagang pinagkaguluhan nang husto sa Balikbayan night na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur nu’ng nakaraang Biyernes.

Kasama rin ni Alden sina Dennis Trillo at Empoy Marquez na pinagkaguluhan din ng mga Ilocano.

Pero ayon sa isang kaibigang nakasaksi sa naturang event, puring-puri raw doon si Alden dahil okay lang sa kanya na maghintay ng matagal sa may backstage.

After two hours pa raw naisalang si Alden, pero punung-puno pa rin daw ito ng energy. Kinantahan niya ang mga ito ng tatlong beses . Hindi raw magkamayaw sa kasisigaw ang mga tao nang lumabas siya sa stage.

Dagdag pang kuwento sa amin, may ilang reporters daw doon na gustong interbyuhin si Alden, pero nagpasabi raw na wala lang tanong tungkol kay Maine Mendoza.

Iniiwasan daw ni Alden na matanong tungkol kay Maine.

Tinanong namin ang ilang taong malapit kay Alden at itinanggi nila ang ganung isyu.

Wala naman daw ganun dahil wala naman daw isyu sina Maine at Alden.

Wala naman daw kasi roon si Maine, at sandali lang naman ang ilalagi niya sa Ilocos, bakit pag-usapan ang taong wala naman doon.

Nilinaw din ng mga nagha-handle kay Alden na walang problema sina Maine at Alden. Sobrang okay daw sila at wala naman daw nabago sa kanilang tinginan bilang magkaibigan.

Kahit kapansin-pansin na medyo cold ang dalawa kapag magkasama sa Eat Bulaga. Pero madalas naman daw ay nasa Sugod Bahay si Maine at nasa studio lang si Alden.

Marami rin ang nagtatanong kung matutuloy na ba ang pelikulang pagsasamahan ng dalawa.

Sabi ng ilang nagha-handle kay Alden, naghihintay pa rin daw sila sa APT Entertainment kung ano na ang plano nila sa pelikulang pagsasamahan ng dalawa.

Ang isa naman sa nababalitaan namin ay inaayos na raw ang drama series na pagbibidahan ni Alden.

Hindi kasama si Maine seryeng ito, kaya pinag-uusapan na kung sino ang magiging leading lady.

Matagal na raw kasing walang serye si Alden, at dapat na matuloy na raw ito ngayong taon.

Ang tanong lang, tatanggapin kaya ng AlDub nation kung ipa-partner na si Alden sa iba?

Ang pagkakaalam kasi namin, kay Alden talaga itong Sherlock Jr. pero ibinigay na lang kay Ruru Madrid dahil ang dami raw nam-bash sa GMA 7 nang napabalita ang pagkakaroon ng soap ni Alden na wala si Maine.

Tingnan natin ngayon kung ano na naman ang magiging reaksyon ng AlDub fans kapag mapapabalita uli itong bagong programa sa Pambasang Bae na wala si Maine.

Sabi naman ng ilang close kay Alden, kung ano man ang susunod na career plan sa dalawa, mananatiling magkaibigan pa rin daw sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?