108

Dec 8, 2017 @ 13:07
By

Alden dagsa pa rin ang biyaya

Tuloy ang biyaya sa harap ni Alden Richards. At dahil hindi na sila nagkakasama ni Maine Mendoza ngayon, mas nakatutok siya sa trabaho ngayon.

Anyway, parami nga nang parami ang biyaya ni Alden. Katunayan, malugod siyang sinalubong ng Cookie’s Peanut Butter Company sa lumalaki nilang pamilya bilang kauna-unahan nilang brand ambassador.

Ito ay isang homemade na brand na gawa sa mga all natural ingredients. Ilan sa mga masasarap nitong mga variant ay ang flagship products nito gaya ng Cookie’s Peanut Butter, Cookie’s Cashew Butter, at Cookie’s Peanut Butter Pangluto at pati na rin ang Mani Ni Cookie at Kasuy Ni Cookie.

Mabibili ang Cookie’s Peanut Butter sa lahat ng mga leading supermarket sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?