16

Sep 17, 2020 @ 14:08

Alden bida sa Viber

SDC

Makikita ang pogi pero naka-face mask na mukha ni Alden Richards sa instant messaging app na Viber.

Kabilang ang aktor sa nilabas na Viber sticker pack ng Department of Health (DOH) na tungkol sa paglaban sa coronavirus spread.

Parte ito ng “BIDA Solusyon sa COVID-19 campaign” ng DOH na nangangahulugang:

– Bawal walang mask
– I-sanitize ang kamay
– Dumistansiya ng isang metro and
– Alamin ang totoong impormasyon

Samantala, naging ambassador si Alden para sa naturang DOH campaign simula Hulyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?