289

Dec 22, 2017 @ 16:44
By

Alden balot na balot; Maine hubad na hubad

Alam mong malapit na ang pagbabalik ni Maine Mendoza dahil masipag na naman itong mag-post sa social media accounts niya.

Kung winter ang feel sa favorite destinations ng ibang artista ngayong Kapaskuhan tulad sa Korea at Japan at maka-experience ng snow, si Maine naman, maaga ang summer.

Katulad sa mga nakaraang social media posts niya, nagpainit pa rin si Maine sa fans at bonggang inilantad ang kanyang katawan habang naka-two piece swimsuit.

South Beach lang ang nakalagay niyang location at “It’s (kind of) summer somewhere.” Obviously, gusto pa rin niyang gawing pribado lang ang kinaroroonan kahit na malayo at nasa America siya.

Opposite sila ni Alden Richards. Habang balot na balot si Alden sa Japan, si Maine naman, hubad na hubad. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?