554

By

Alden ayaw nang sumawsaw kay Maine

Sharing is caring!

MARAMI ang nagtanong kung napaano si Alden Richards at hindi ito nagtagal sa Eat Bulaga last Monday. Kainitan ito ng isyung paglabas ni Maine Mendoza ng open letter para sa fans.

Ayon sa ilang mga taong malapit kay Alden, nagka-amoeba pala siya, at hindi na-food poison.

Kaya isinugod na siya sa hospital. As of yesterday, okay na ang pakiramdam ni Alden. Maaaring lalabas na raw ito ng hospital.

Hindi na raw siya magsasalita tungkol sa open letter ni Maine dahil hindi naman daw niya alam kung ano ang pinanggalingan ng sulat na ‘yun para sa fans. Okay daw sila ni Maine, at magkaibigan naman daw sila.

Nagugulat lang daw ang nasa kampo ni Alden dahil ang dami raw fans na nagti-text sa kanila na nadismaya sila sa sulat na iyun ng phenomenal star ng Eat Bulaga. May mga nagpapasabi pa na mag-suicide na lang daw sila.

Ganun kaloka-loka ang ilang fans na sa idolo na lang nila umiinog ang kanilang buhay. Basta ipinaparating ng kampo ni Alden na walang problema ang Pambansang Bae sa fans. (Gorgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?