41

By

Albie Casino gusto nang mapangasawa ang dyowang beauty queen

Sharing is caring!

Proud si Albie Casiño sa kanyang beauty queen girlfriend na si Michelle Arceo. Inamin ng aktor na ‘forever’ na raw niya si Michelle na nakarelasyon niya for three years na.

Magaling daw kasing mag-alaga si Michelle at very responsible. Ngayon lang daw kasi na makarelasyon ni Albie ang isang babae na mature na ang pag-iisip.

“Suwerte ako sa kanya. Maalaga kasi siya. She grew up in the States. When she was 16, she was already working two jobs.”

“So, very mature siya. She’s by herself here. She takes care herself. She lives in her condo. She cooks and stuff. So, parang ang dami kong natututunan sa kanya,” ngiti pa ni Albie.

Kaya naman daw ang lahat ng gawin ni Michelle ay suportado niya. Hindi raw niya pipigilan ang girlfriend sa mga gusto nitong ma-achieve.

“Whatever she does, I’ll support her 100%. She did Gandang Filipina, she won that. I even went to the finale, di ba? I’m never gone tell her, ‘No.’ She was supposed to be in a film. They needed someone who looks like a foreigner… ayaw niya. Kaya ayaw niya, yun ang gusto niya,” diin pa ni Albie.

Kaya sa isang post ni Michelle sa kanyang IG noong nakaraang birthday ni Albie noong May, heto ang naging caption niya: “Happy birthday to my best friend, and my partner in crime. I’m so lucky to have celebrated 3 of your birthdays with you so far. Enjoy your special day you old geezer. I love you”

Ito naman ang naging reply ni Albie sa post ni Michelle: “You’re the best gift I could ever have”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?