448

Oct 28, 2021 @ 18:49
By

Albie banas pa rin kay Andi Eigenmann

May sama pa rin ng loob ang ex-boyfriend ni Andi Eigenmann na si Albie Casiño sa aktres.

Sa Push report, hindi nagpaka-plastik si Albie at sinabi ang mga nararamdaman kay Andi.

Kuwento ng aktor, sobrang tuwa niya nang sabihin ng mga kaibigan niyang nakakita kay Andi sa Siargao na tumaba ito.

Dagdag pa ng aktor, kapag nakita niya si Andi at sinubukan siyang kausapin, titingnan lang niya ito nang may pagkasuklam.

Dagdag pa niya, hindi niya na-appreciate na hindi humingi ng tawad sa kanya si Andi.

Matatandaang si Albie ang itinurong nakabuntis kay Andi ngunit lumabas sa DNA testing na si Jake Ejercito pala ang ama ni Ellie.

“My friends just saw her in Siargao and they said she’s super fat so that makes me super happy. I don’t know if that’s bad of me. But it brings me great joy to know she gained a lot of weight now. Yeah, I don’t care. That’s the truth (laughs). Di tayo nagpaplastikan dito. That’s the way we do it man. Hindi tayo nakikipagplastikan dito,” lahad ni Albie.

“Wala eh did dead Madela, deadma. Like I got nothing to say to you bro, you know? And my parents are always telling me, if you got nothing good to say, don’t say anything at all. So even if I was next to her in a 24 hour flight, I won’t say a word. Because I got nothing good to say to her. So I’d rather not talk to her. If she tries to talk, I’m just going to look at her like she has poop on her shirt. That’s all I’m going to do. Because I don’t know, man, I was open to giving her a chance to apologize but she never did apologize,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?