26
albert-martinez
By

Albert iwas-pusoy sa John, Mylene isyu

Sharing is caring!

Magti-thirty-seven years na sa industry ang actor na si Albert Martinez and he’s never been busy as what he is now. Siya na yata ang maituturing na busiest Kapamilya star sa sunod-sunod o minsan ay overlapping pa ang mga teleseryeng ginagawa niya.

Mula sa All Of Me noon, Ang Probinsyano, La Luna Sangre at nag-The Good Son siya, heto’t nasa Bagani naman siya ngayon. Pero dahil ilang taon na nga bang sunod-sunod ang ginawa niyang teleserye, talagang matagal na raw naka-block-off kay Albert ang bakasyon niya simula sa April 3. One and half month siyang mawawala at dadalawin ang anak na si Alyanna sa America at ang first apo niya na si Adalynn Riley Macam sa mister nitong si Rey Macam.

Doon na rin magse-celebrate si Albert ng birthday niya on April 19 na ngayon pa lang daw niya magagawang mag-celebrate ng birthday na wala siya sa work but with his family talaga. Kasama rin aalis ni Albert ang dalawang anak na sina Alyssa at Alfonso.

Wala namang maisagot si Albert at nangingiti lang nang tanungin namin kung na-witness ba niya ang diumano’y namagitan na totohanang pisikalan sa mga co-star niya sa The Good Son na sina John Estrada at Mylene Dizon.

“Wala ako, nasa shoot ako nun ng La Luna Sangre. Actually nalaman ko lang ‘yun a week after.”

Ano ang nalaman niya?

“Actually, nabasa ko lang sa news feed,” sabi naman niya.

Wala raw talaga siyang alam kung ano ang nangyari o kung may nangyari nga. Hindi rin naman daw siya nagkaroon ng pagkakataon na maka-eksena sila nang sabay.

“Lahat ng scene ko, it’s either with Mylene or with John but not them together. I wasn’t sure what really happened. Hindi ko na-verify rin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?