107

By

Albayalde: Walang utos na alisin ang security ni Trillanes

Sharing is caring!

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na walang order na tanggalin ang police security detail ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ang klaripikasyon ay ginawa kasunod ng pagsasabi ng senador na ni-recall ang police security detail niya noong katapusan ng Hunyo.

Ani Albayalde, marahil ang order na police security detail ni Trillanes ay nag-expired na at kailangang i-renew.

“Walang utos ‘yan, it’s probably nag-expire na ‘yung duty ng sinasabing security and they have to be renewed [pati] ‘yung letter-order nila to provide security,” paliwanag ng hepe.

Siniguro naman ni Albayalde na itse-check niya sa director ang naturang isyu pero sinabi nitong may proseso itong pagdadaanan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?