38

By

Albayalde susunod sa yapak ni ‘Bato’ dela Rosa sa politika?

Naitanong kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde kung may balak ba siyang sumabak sa politika.

Sa ngayon wala sa isip ni Albayalde na sumalang sa politika kahit pa nalalapit na ang kanyang pagreretiro sa susunod na taon.

“No, I don’t have any plans,” saad ni Albayalde sa panayam sa ANC.

Si Albayalde ay magreretiro sa Nobyembre ng susunod na taon, at sinabing mas pagtutuunan ang pamilya pagtapos ng kanyang termino.

Sinundan ni Albayalde si senatorial aspirant Ronald ‘Bato’ dela Rosa na nailipat sa Bureau of Corrections noong nakaraang Abril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?