99

By

Albayalde sinorpresa ang mga motorista sa pagtanod sa checkpoint

Nagulat ang mga motorista sa pulis na pumara at nag-inspeksiyon sa kanilang mga sasakyan sa checkpoint sa General Santos City, Martes ng hapon.

Ayon sa report, nasorpresa umano ang mga driver na rutang Koronadal City-Gen. Santos City nang makita sa checkpoint si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde dakong alas-kuwatro ng hapon.

Kasama ni Albayalde na nagpapahinto ng mga sasakyan para mainspeksiyon si Chief Supt. Eliseo Tam Rasco, police regional director sa Soccsksargen Region.

Nakikipagkamay umano si Albayalde at kumakaway sa mga motorista na pumapasok sa siyudad.

“Good afternoon po, welcome to GenSan have a safe trip,” ang binabati umano ni Albayalde sa mga dumadaang motorista matapos mainspeksiyon ang kanilang mga sasakyan, ayon sa report ng Inquirer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?