17
views

By

Albayalde sa publiko: Tigilan na ang pagpuna sa PNP

Sharing is caring!

Nakikiiusap si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa publiko na tigilan ang pagpuna sa hanay ng pambansang pulisya dahil sa nagaganap na patayan sa bansa.

Ayon sa opisyal, sa halip pagpuna ay pakiusap nito makipagtulungan ang publiko sa PNP upang maresolba ang problema sa krimen.

“Probably instead of criticizing law enforcement agencies probably maganda magtulungan tayo para mawala, maiwasan yung mga patayan na yan instead criticizing yung mga law enforcement agencies” sinabi ni Albayalde.

Aniya, bagamat isolated cases ang mga patayang ito ay hindi aniya ito isinasawalang bahala ng PNP dahil puspusan ang kanilang pagta trabaho upang maresolba ang bawat kaso ng pagpatay.

Wala rin aniya silang pinipiling kaso para tutukan mapa elected officials, ordinaryong indibidwal, VIP o foreigner man ang biktima.

Matatandaang simula nang nakalipas na linggo hanggang kagabi ay apat na local chief executives na ang napatay sa pamamaril bukod pa sa mga namamatay sa mga ikinakasang operasyon ng PNP.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?