By

Albayalde sa kapulisan: Mas maging makabayan, umiwas sa katiwalian

Sharing is caring!

Hinikayat ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang kanyang mga kabaro na ipakita ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pag-iwas sa katiwalian.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika- 120 Araw ng Kalayaan ngayong araw at sa harap ng kaliwa’t kanang operasyon kung saan nasasangkot ang ilang pulis sa iligal na droga, extortion at carnapping.

Pinakahuli ay ang pagkakasawi ni Senior Inspector Raymond Hortezuela na nanlaban sa tropa ng Counter Intelligence Task Force (CITF) sa buy-bust operation sa Mandaue City.

Sinabi ni General Albayalde dapat na mas maramdaman ng mga pulis pagiging makabayan at malasakit sa kapwa at ang pinakambisang paraan aniya para maipakita ito ay ang pagiging malinis at pagpatupad ng tapat sa kanilang sinumpaang trabaho.

Payo naman ni Albayalde sa kanyang mga kabaro na sila ay katulong ng gobyerno sa pagtataguyod ng kapayapaan at tagapagsulong din ng kaunlaran sa bayan.

Giit pa ng hepe ng opisyal, ‘to serve and protect’ ang motto ng PNP kaya dapat sila ang mangalaga sa mga tao at hindi dapat masangkot sa anumang mga krimen.(RED FORTALEZA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?