216
albayalde1

Albayalde pormal nang itinalaga bilang PNP chief

Sharing is caring!

Pormal nang iniluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Capital Region police chief Oscar Albayalde bilang bagong pinuno ng Philippine National Police.

Ito ay batay sa inilabas na dokumento ng Malacañang kanina.

Nakatakdang palitan ni Albayalde si outgoing PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, na uupo namang bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections.

Nakatakdang manumpa sa kanyang bagong posisyon si Albayalde sa Abril 18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?