67

Jul 15, 2021 @ 17:12
By

Albayalde pinag-iisipan pagtakbo sa 2022

Pinag-iisipan pa ni dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde ang pagtakbo sa paparating na 2022 elections.

Marami umano ang nag-uudyok kay Albayalde na tumakbo sa darating na halalan.

“We cannot deprive our people with a good leader, kung iyon ang hinahanap nila,” lahad niya sa isang panayam sa “Balitaan at Kumustahan”.

Aniya, pag-uusapan pa ng kanyang pamilya ang tungkol dito.

“Wala pa tayong napagdesisyunang ganyan,” pahayag niya. Sa ngayon aniya ay pinupulsuhan pa niya ang taumbayan.

Ikinalugod niya rin ang sa mga sumuporta sa kanya at sa mga naging hakbang niya bilang PNP chief sa kampanyang war on drugs na isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?