By

Albayalde, nagpasaklolo sa MM mayors sa pagbili ng body cams

Sharing is caring!

Nagpapasaklolo si NCRPO Chief, Police Director Oscar Albayalde sa mga Metro Manila mayors sa pagbili ng mga body cameras para sa mga lokal na pulisya.

Ayon kay Albayalde, umaasa sila na tutulong ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa pagbili ng pambansang pulisya ng mga body camera.

Aniya hinihintay pa nila ang pondo para sa pagbili ng mga body cameras.

May mga panukala na sa Kongreso na maglaan ng pondo para sa pagbili ng mga body cams.

Kanina sinubukan na ng Pasig City Police ang ilan sa 48 vigilante body cameras na donasyon ni Mayor Bobby Eusebio. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?