79

Dec 25, 2018 @ 20:39
By

Albayalde nag-inspeksiyon sa Divisoria, Luneta

Naglibot sa Divisoria ngayong Pasko si Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde para umano matsek ang police visibility sa lugar at masiguro na ligtas ang mga mamimili rito.

Aniya, dahil inaasahang dadagsa ang mga tao sa Divisoria matapos makapamasko ang mga bata, gusto nitong makasiguro na maayos ang pagbabantay dito ng kanyang kapulisan.

Maliban sa Divisoria ay nagpunta rin sa Lunes ang hepe para makita ang security measures na inilatag dito ng Manila Police District.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?