118
ABANTE lacson pcso balutan party
Apr 22, 2018 @ 13:56
By

Albayalde kayang disiplinahin ang PNP – Lacson

Kumpiyansa si Senador Panfilo Lacson na mahusay na pamumunuan ni Police Director General Oscar Albayalde ang Philippine National Police (PNP).

Nasa tamang direksyon umano ang pamumuno ni Albayalde dahil disiplina ng mga pulis ang unang puntirya at marunong din itong komunsulta.

“Nakita ko lang sa kanya yung determinasyon na talagang unahin ang internal cleansing. Yun talaga ang kanyang tinatahak na direksyon,” ani Lacson, dating namuno sa PNP.

Nagkausap sila ilang araw bago opisyal na umakyat si Albayalde bilang pinuno ng PNP.

Nagtanong si Albayalde kay Lacson kung ano ang mgandang gawin para malinis at madisiplina ang mga pulis.

Ipinayo naman ni Lacson na palakasin nito ang counter-intelligence task force at gawing kabalikat sa mga operasyon ang Special Action Force.

Pinatutularan din ang kaniyang utos noon sa mga pulis na magpaliit ng baywang upang makahabol sa mga kriminal.

“Yung 24-inch waistline, simboliko lang. Ang punto roon ay disiplina para maging fit ang mga pulis,” pahayag ni Lacson.

Madali aniya itong maipatutupad dahil disiplinado ang katawan ni Albayalde at maigigiit niya sa mga tauhan na siya ay tularan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?